top of page

8

Paghihintay

 

Simeon, Tagapagmana ng Pangako

 

Kunin Mo na Panginoon ang iyong abang alipin, ayon sa Iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas. (Lucas 2:29-30)

 

Ang kaligtasan ay kasama nang nararanasan  sa pagkamalas pa lamang sa Tagapagligtas kung ang pangako ng pagliligtas ay malaon nang inangkin at marubdob na hinihintay.

 

Para sa mga tunay na tagapagmana ng pangako, ang Paghihintay ay nangangahulugan ng...

 

I

Pamumuhay sa Presensya  ng Diyos

“Matapat at malapit sa Diyos ang Taong ito.”

 

II

Pakikinig sa Pahayag ng Diyos

“Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita  ang Mesias na ipinangako ng Panginoon.”

III

Pagtitiwala sa Gabay ng Diyos

“Sa patnubay ng Espiritu Santo, pumasok siya sa templo.”

 

“Nakita na ng mga mata ko ang Iyong pagliligtas.” Papuri ni Simeon ay papuri ng lahat ng mga tuinay na tagapagmana ng Pangako ng Panginoon!

CLICK 9 Pasasalamat

bottom of page