top of page

3

Paglingap

 

Elisabet, Tagapagmana ng Himala

 

Ngayo’y nilingap ako ng Panginoon...Ginawa Niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan

ng mga tao. (Lucas 1:25)

 

Himala ang tawag ng marami sa  pagkilos ng Diyos sa mga suliraning hindi na nila kayang lutasin.

Ngunit  para sa mga hinirang, ito ay kapahayagan lamang ng Kanyang paglingap!

 

Elisabet...

I

Hindi isinilang upang dustain kundi hinirang upang lingapin.

 

II

Hindi trahedya ng lahi kundi Epiko ng Pananampalataya.

 

III

Hindi biktima ng tadhana kundi Tagapagmana  ng Himala

 

Tayo sina Zacarias, Elisabet, at Juan sa yugtong ito ng nagpapatuloy na kasaysayan...Kailangan gisingin mula sa pagaalinlangan; kailangan lingapin mula sa kadustaan; at kailangan ipanganak na muli sa espiritu at kapangyarihan ni Elias upang ipaghanda ng daan ang Panginoon sa muli Niyang pagdatal!

​

​

CLICK 4 Pagpapala

 

 

 

bottom of page