top of page

11

Pasko

 

Pagdiriwang ng Pagliligtas

 

Sa lahat ng bansa ang kamay ni Yahweh na tanda ng lakas ay makikita ng mga nilalang at ang pagliligtas nitong ating Diyos ay tiyak na mahahayag. (Isaias 52:10)

 

Sa ilang yugto ng kasaysayan ang walang kapantay na Pag-ibig ng Diyos ay ipinagdiriwang sa anyo ng Pasko – Pasko ng Kapanganakan at Pasko ng Pagkabuhay na Muli – pagdiriwang ng pasasalamat sa dakilang pagliligrtas ng Diyos!

 

Pagdiriwang ng Pagliligtas –

I

Pagliligtas sa Bayang Hinirang

 

II

 Pagliligtas sa Bayang Inampon

 

III

Pagliligtas sa Sangsinukob

 

Ang dakilang pagliligtas ng Diyos ay unang ibinigay sa anyo ng Pangitain at ipinagkatiwalang ipahayag ng mga Propeta. Kasunod, tinaglay nito ang anyo ng Mabuting Balita at ipinagkatiwalang ihatid ng Anghel ng Panginoon. At tinaglay nito ang anyo ng Krus  at ipinag-alay ng buhay ni Jesus. Ngayon taglay nito ang anyo ng Misyon at itinagubiling ipag-alay ng buhay ng mga Alagad at ng Iglesia, kasama na ang aimpilipinas. Hanapin natin ang di pangkaraniwang papel na dapat nating gampanan sa pagsasabuhay ng orihinal at pang-masang bersyon ng Pasko, ngayon sa kinalalagyan nating panahon.

​

​

CLICK 12 Medya Noche

​

 

bottom of page