top of page

2

Pananalig

Zacarias, Biktima ng Pagaalinlangan

 

Paano ko po matitiyak na mangyayari ito?  Sapagkat ako’y  napakatanda na at gayon din ang aking asawa. (Lucas 1:18) 

 

Mula sa bukid ng pagaalinlangan sumisibol ang dawag ng kabiguan. Mula naman sa bukid ng pananalig, sumisibol ang butil ng himala.

 

Ang tunay na pananalig ay nagbubunga ng :

 

I

Pakikisangkot bilang uri ng buhay, hindi ritual na pakikilahok lamang.

 

II

Pananalangin bilang disiplina ng komunikasyon, hindi litanya ng pamamalimos lamang.

 

III

Pagtitiwala bilang susi ng relasyon, hindi puhunan para sa hinahangad na biyaya lamang.

 

Kadalasan, ang sariling pagaalinlangan ang sagka sa marubdob na hangaring

makisangkot sa pagbabago ng lipunan.

​

​

CLICK 3 Paglingap

​

bottom of page